^

Metro

Due process hiling ng 5 pulis na ‘ipinatapon’ sa Mindanao

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos maiyak sa sama ng loob ang limang police na naka­talaga agad-agad silang ‘ipinatapon’ sa Mindanao kasabay ng kahilingan na pairalin ang ‘due process’ bago sila parusahan.

Kaugnay ito sa umano’y na­­ganap na pangongotong sa isang Singaporean national, ka­makailan.

Base sa inisyung order ng Directorate for Personnel and Record Management (DPRM) sa Camp Crame, nabatid na  mula sa Intelligence Section ng Makati City Police, itinapon sa Autonomous Region in Muslim  Mindanao (ARMM)  sina Chief Inspector Sherwin Cuntapay; SPO3s Gonzalo Acnam; Ludevico Jabolle; PO3 Ronnie Aseboque at PO2 Gee-ar Javier.

Matatandaan, na kamaka­ilan ay nakatanggap umano ng report si PNP Chief Director Ge­neral Ronald Dela Rosa hinggil sa isang  operasyon  sa isang gambling online company,  na pag-aari ni Lai Wee Shong,  isang Singaporean national, na matatagpuan sa West Plaza, Gil Puyat Avenue, Makati City.

Ang naturang text message ay ipinadala sa hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Rommil Mitra at pinadala naman nito sa hepe ng Intelligence Section na si Cuntapay upang i-validate ang naturang impormasyon.

Noong Setyembre 30, ay inaatasan naman ni Cuntapay sina Acnam; Jabolle; Aseboque at Javier, na magsagawa ng validation sa naturang tanggapan.

Ayon sa mga pulis na nagsagawa sila ng validation at ang nakausap lamang nila ay  ang chief security officer na si Rolando Fuentes at ayon nga dito ay minsan na aniyang sina­lakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nabanggit na gaming online company.

Isang ret. Police Col. Cabig­ting umano, ang nagsabi sa naturang Singaporean na magbigay na lamang ito ng pera para hindi ito makaranas ng pangha-harras hanggang sa nakapagbigay umano  ito ng halagang P750,000.00.

Dahil sa insidente ay nag­reklamo ang nasabing dayuhan at isinasangkot umano ang naturang mga pulis sa insidente ng  pangongotong.

Kung kaya’t kamakailan ay ipinatawag ni National Ca­pital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Alba­yalde si Cuntapay upang lina­win ang naturang  akusasiyon.

Ipinaliwanag ni Cuntapay na nagsagawa lamang sila ng validation  sa nasabing tangga­pan at sa nakalap nga nilang impormasyon na minsan na umano itong  ni-raid ng NBI.

Mariin din nitong nilinaw na wala silang alam sa  umano’y naganap na pangongotong dahil ayon dito ay hindi niya  kilala si Cabigting.

Na sinasabi naman ng naturang dayuhan na ang pera ay ibinigay umano kay Cabigting. 

Ang naturang reklamo ay na­karating kay Pangulong Rod­­rigo Duterte at ipinag-utos nitong sibakin sa pwesto ang nabanggit na mga police Makati.

Kahapon ay epektibong inilipat sa ARMM ang limang police Makati, na halos maiyak sila sa sama ng loob sa kanilang sinapit.

DUE PROCESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with