Para raw iwas kotong: BI, maglalagay ng Chinese speaking interpreters sa NAIA
MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang pa-ngingikil o pangongotong sa mga papasok na Chinese sa bansa, nagpasya and Bureau of Immigration (BI) na maglagay ng mga Chinese-speaking individuals na magsisilbing interpreters sa mga immigration officers sa kanilang pagpasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inaprubahan na niya and rekomendasyon ng BI Port Operations Division (POD) na kumuha ng 12 Chinese bilang interpreters habang isinasagawa ang primary at secondary inspection sa mga dayuhang Chinese.
Sa pamamagitan aniya ng mga interpreters, mas magi-ging madali ang gagawing assessment sa mga Chinese bago papasukin sa bansa.
Paglilinaw ni Morente, ang mga interpreters ay contractual basis at itatalaga sa tatlong terminals sa NAIA.
Matagal na aniya ang recruitment ng mga interpre-ters dahil na rin sa hirap ng komunikasyon sa mga Intsik na nagreresulta naman ng korupsiyon. Karamihan naman umano sa mga Chinese ay hindi marunong magsalita ng English. Wala rin naman umanong mga interpreters ang mga airline companies.
Nabatid naman kay BI-POD chief Marc Red Mariñas, ang hindi pagkakaunawa ng mga Chinese sa mga tanong ng immigration officer ay dahilan ng pagpigil sa kanila na makapasok sa Pilipinas. Marami umano silang natatanggap na reklamo mula sa mga Chinese passengers na hirap na maintindihan ang mga immigration officers.
- Latest