^

Metro

MRT-3 station, nakaranas ng brownout

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaranas ng brownout ang Metro Rail Transit (MRT-3) sa Ayala Avenue station, Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na dakong alas-8:30 ng gabi nang mawalan ng supply ng kuryente sa kabuuan ng Ayala station.

Bunsod nito, sumalubong ang mahabang pila mula sa pagbaba at pagsakay ng tren ng mga pasahero ng MRT-3 sa nasabing istasyon.

Nahirapan ay mga matatanda at may kapansanan sa pagsakay ng tren dahil hindi rin gumagana ang mga escalator at turnstile sa istasyon.

Dahil sa nangyari, manu-mano na lamang kinuha ng mga guwardiya ang mga single journey ticket ng mga pasahero habang ang may hawak na stored value ticket ay pinadaan na lamang.

Hindi pa batid kung ano ang dahilan ng pagkawala ng supply ng kuryente na siyang subject ngayon sa ginagawang imbestigasyon ng pamunuan ng Department of Transportation and Communication (DOTC).

DUTERTE ADMINISTRATION

ECONOMIC GROWTH

PUBLIC SPENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with