^

Metro

Paglala ng trapik sa Maynila pinatututukan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang paglala  at pagsisikip ng  daloy ng trapiko  sa ilang lugar sa  Maynila na kailangan  na tutukan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Sa panayam sa  mga motorista  tila walang ginagawang pagkilos ang mga enforcers ng MTPB na nakatalaga sa lugar na kinabibilangan ng  Blumentritt, Avenida, Tayuman, Bambang,  Recto,  U.N, Kalaw at Jose Abad Santos upang  maging mabilis ang  daloy ng mga sasakyan sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa ilang mga motorista,  wala umanong pagbabago ang  daloy ng  trapiko sa mga nabanggit na lugar samantalang  sandamakmak ang  mga nakatalaga  na dapat ay nagmimintine ng   daloy ng mga sasakyan.

Anila, may mga komunikasyon naman ang mga traffic enforcers na nakatalaga sa mga nabanggit na lugar kung kaya’t namomonitor ng mga ito ang sitwasyon at daloy ng sasakyan.

Dumadagdag pa umano rito ang  mga walang disiplina at mga pasaway na mga  jeepney driver na bigla bigla na lamang  nagbababa at nagsasakay.

Apela ng mga motorista  kay Manila Mayor Joseph Estrada at MTPB Director Benjamin  Feliciano na  balasahin ang mga traffic  enforcer na  hindi pursigido sa kanilang  trabaho at  upang maiwasan ang  ‘familiarity’ sa lugar.

Tila  ang mga jeepney drivers pa ang nasusunod  sa kalsada at binabalewala ang traffic lights at mga enforcers.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with