Permit ng towing companies kanselado -- MMDA
MANILA, Philippines - Dahil sa dami ng reklamo na natatanggap laban sa mga illegal operations, maghihigpit na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbibigay ng accreditation sa mga towing companies sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Traffic Discipline Office head Crisanto Saruca, na pansamantala muna nilang kakanselahin ang mga ibinigay na accreditation permits sa mga towing companies at sa halip ay mag iisyu na lamang sila ng provisional accreditation.
Bukod dito, magbibigay na rin sila ng seminar sa lahat ng kawani ng mga towing companies at eksaminasyon na dapat nilang ipasa.
Bunsod nito, maaaring ireklamo ang mga towing companies na patuloy na manghuhuli sa kalsada.
Mayroong 40 towing companies ang kasalukuyang binigyan ng accreditation permit ng ahensiya.
Noong nakaraang linggo, isang towing company ang sinuspinde matapos na ireklamo sa ilegal na gawain nito.
- Latest