Isko namigay ng assistance sa mga dialysis patients
MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang buwang pangangampanya, muling pinagtuunan ng pan-sin ni Manila Vice Ma-yor Isko Moreno ang pamamahagi ng assis-tance sa mga dialysis patients.
Abot-abot ang paghingi ni Moreno ng paumanhin sa mga dialysis patients na kanya ring naisantabi upang mangampanya noong nakaraang halalan.
Ayon kay Moreno, ngayong tapos na ang halalan, balik serbisyo na siya sa Manilenyo. Nais niyang sulitin ang ipinasusuweldo sa kanya ng taumbayan hanggang katapusan ng kanyang termino.
Binigyan diin ni Moreno na ramdam niya ang pangangailangan ng mga dialysis patients at maging ng mga mahihirap na tagalungsod kung kaya’t ginagawa niya ang lahat upang maiahon ang mga ito sa hirap.
Tiwala pa rin si Moreno na makaka-tulong pa rin siya sa publiko kahit wala na siya sa puwesto. “ Kung gusto mo namang tumulong regardless kung nasa pwesto ka o hindi, “ ani Moreno.
Tiniyak ni Moreno na tuloy-tuloy pa rin ang kanyang responsibilidad sa Maynila ngayon hanggang sa Hunyo lalo pa’t marami pang mga ordinansa ang dapat na maipasa para sa kapakanan ng Manilenyo.
- Latest