^

Metro

Pulis nagre-recycle ng shabu, timbog sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog sa isinagawang drug operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa pag-iingat ng iligal na droga na sinasabing nire-recycle o ibenebenta sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni NBI Anti-Illegal Drugs (AIDD) Atty. Joel Tovera, kinilala ang suspek na si PO2 Jolly Aliangan, nakatalaga  sa Regional Anti-Illegal Drugs ng NCRPO at dating naka­talaga sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police District.

Nakasamsam ang NBI ng pinaniniwalaang shabu, bungkos-bungkos na pera sa loob ng isang vault, timbangan at mga baril, na ang ilan ay matataas ang kalibre sa loob ng bahay nito sa Talayan St., Balic-balic, Sampaloc, sa raid na isinagawa alas 8:00 ng umaga.

Dalawang sasak-yan na nakaparada sa garahe ng magarang bahay ng suspek na ang isa umano ay may plaka na hindi naman tugma sa sasakyan.

Binitbit din ang isang sibilyan na si Jeffrey Guttierez, na kasabwat umano ng suspek sa operasyon ng droga.

Maging ang maybahay umano ng suspek ay isinasailalim sa imbestigasyon dahil sa ginawa umano nitong pagtapon o pag-flush sa toilet bowl ng mga hinihinalang shabu.

Naging matensiyon ang operasyon kaya ang nanay ng suspek na hindi pinangalanan ay nahimatay at dinala sa Ospital ng Sampaloc.

vuukle comment

PILIPINAS GOT TALENT

POWER DUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with