Pagbabayad ng tax gagawing on-line
MANILA, Philippines – Gagawin nang on-line ang pagbabayad ng buwis upang mawala ang korapsyon. Ito ang plano ni 5th District Congressman Amado Bagatsing sakaling mahalal siya na alkalde ng Maynila sa Mayo.
Ayon kay Bagatsing, unti-unting mareresolba ang problema sa korapsyon kung sa banko na lang magbabayad ng real property tax at business tax dahil walang empleyado ng city hall na tatanggap ng bayad.
Paliwanag ni Bagatsing, mahigpit nilang ipatutupad ang ‘full transparency’ dahil lugmok na ang Maynila sa korapsiyon at pagkarumi. Alam niyang nangangailangan ang lungsod ng bagong mukha.
Panahon na aniya upang linisin ang lungsod lalo na sa red tape at korapsyon. Aniya, dito makikita kung sino ang may mga may penalty o hindi nagbabayad ng buwis.
Binigyan diin ni Bagatsing na ibabalik nila sa dati ang singil sa real property at business tax kung saan magsasagawa ng consultation sa iba’t ibang sector.
“Serbisyo hindi perwisyo” ani Bagatsing.
Titiyakin din nito na ang lahat ng mga dapat na singilin ay makukulektahan ng buwis na naaayon sa batas. Kabilang na dito ang paniningil sa Intramuros Administration at ang mga pantalan na nasa lungsod.
- Latest