^

Metro

Obrero, patay sa gumuhong lupa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang obrero matapos mata­bunan ng gumuhong lupa sa isang contruction site sa Marikina City, kahapon ng tanghali. Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Espaldon, residente ng Antipolo City.

Nabatid mula kay Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina police, na ang insidente ay naganap dakong alas-12:00 ng tanghali sa Paraluman corner Paraiso St., Brgy. Parang, Marikina City.

Ayon sa report, habang ang biktima at iba pang kasama sa trabaho ay abala sa pag­huhukay ng lupa na pagtatayuan ng isang warehouse nang biglang gumuho ang lupa at matabunan ang biktima.

Nahirapan ang mga kasamahan sa trabaho at grupo ng Marikina rescue team na makuha agad ang katawan ng biktima dahil may tubig at maputik ang hukay na nasa 8 to 10 feet ang lalim.

Umabot ng halos apat na oras bago ma­kuha ang bangkay ng biktima.

Tinitingnan ngayon ng pamahalaan lungsod ng Marikina ang posibleng kakaharaping negligence ng management ng gina­gawang gusali.

ACIRC

ANG

ANTIPOLO CITY

AYON

BRGY

ERNESTO ESPALDON

MARIKINA CITY

NABATID

NAHIRAPAN

PARAISO ST.

VINCENT CALANOGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with