^

Metro

Lalaki, arestado sa gun ban

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki nang mahulihang nag-iingat ng patalim, na paglabag sa election gun ban, sa isang operasyon sa Marikina City kahapon.

Ang suspek ay nakilalang si Alenor Bundas, residente ng Farmers 1, Brgy. Tumana, Marikina City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), si Alenor Bundas, residente ng Farmers 1, Brgy. Tumana, Marikina City ay naaresto ng mga tauhan ng Marikina City Police dakong alas-2:40 ng madaling araw sa Farmers, Brgy. Tumana.

Nagpapatrulya ang mga pulis nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek kaya’t sinita ito na nagresulta sa pagkakakumpiska ng patalim.

Kaagad dinakip ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya, kung saan siya idinetine sa kasong paglabag sa BP 881 o Omnibus Election Code.

 

ALENOR BUNDAS

ANG

BRGY

EASTERN POLICE DISTRICT

KAAGAD

KALABOSO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

NAGPAPATRULYA

OMNIBUS ELECTION CODE

TUMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with