^

Metro

Trike driver utas sa pananaksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang tricycle driver makaraang pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan sa hindi mabatid na dahilan sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Benjie Reario, 32, ng Everlasting St., Brgy. Payatas A. sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Virgilio Mendoza, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima, alas 11:30 ng gabi.

Sabi ng isang testigo na nakilala sa pangalang Mortalla, bago ang insidente, nag­punta umano siya sa bahay ng biktima na katabi lamang ng kanyang bahay para tanungin ito hinggil sa isang insidenteng nangyari sa kanilang lugar, pero wala ang huli.

Matapos nito ay umuwi na siya pero nagulat na lang ito nang pagbukas niya ng pintuan sa likuran ng kanyang bahay ay naabutan niya ang biktima na duguang nakahiga at wala ng buhay.

Agad na humingi ng tulong si Mortalla sa kanilang kapitbahay na siya namang nagreport ng insidente sa otoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of Crime Operatives (SOCO) narekober sa bangkay ng biktima ang isang patallim, habang sa cursory examination ay lumabas na nagtamo ang una ng multiple stab wounds sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na siyang agad na ikinamatay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BENJIE REARIO

BRGY

EVERLASTING ST.

MORTALLA

PAYATAS A

QUEZON CITY

SCENE OF CRIME OPERATIVES

VIRGILIO MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with