^

Metro

P.2M alok vs suspek ni Mañalac

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpalabas ng P200,000 reward money ang pamahalaang lungsod ng Ma-labon para sa ikabibilis ng pagresolba sa pamamaslang kay incumbent Councilor Melvin Mañalac.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang lumalabas na ulat na ang makakaliwang grupong Partisano-Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Leninista ng Pilipinas ang nasa likod ng pamamaslang sa konsehal.

Sa iniwang leaflets ng mga salarin, sinasabi ng grupo na paghihiganti ang pamamaslang kay Mañalac dahil sa pagpatay naman nito noong 2010 kay Peter Villasenor na isa umanong miyembro ng New People’s Army(NPA).

Sa rekord, pinagbaba­ril si Mañalac dakong alas-3:50 ng hapon nitong Sabado sa Brgy. Tinajeros habang patungo sa isang pagtitipon sa Brgy. Tonsuya. Tumatakbo muli si Mañalac bilang konsehal ng ikalawang distrito ng lungsod.

Isa rin sa tinitingnang anggulo ay ang kaugnayan sa politika lalo na at inaasahang mahigpit ang labanan ngayon sa lokal na elek­syon sa Mayo sa lungsod.

Ang biktima ay anak ni dating Malabon City Police Chief of Police at Konsehal Boyong Mañalac. Bahagi din ito ng Pusong Malabon party ni Mayor Antolin Oreta na sumusuporta sa Liberal Party.

ACIRC

ANG

ATILDE

BRGY

COUNCILOR MELVIN MA

KONSEHAL BOYONG MA

LIBERAL PARTY

MALABON CITY POLICE CHIEF OF POLICE

MAYOR ANTOLIN ORETA

NEW PEOPLE

PARTIDO MARXISTA-LENINISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with