11 sasakyan nasampolan sa yellow lane
MANILA, Philippines – Labing-isang sasakyan ang nasampulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lumabag sa unang araw nang mahigpit na implementasyon ng yellow lane sa Edsa kahapon.
Ito ay ayon kay MMDA Special Traffic and Transport Group Head Rey Arada.
Nabatid na sa 11 nahuli, sampu dito ay mga pribadong sasakyan na pumasok sa yellow lane at ang isa naman ay bus na lumabas naman sa yellow lane.
Partikular na binantayan kahapon ang southbound lane ng Edsa mula sa Shaw Boulevard hanggang Guadalupe.
Sinabi ni Arada, na sa pahihigpit ng yellow lane ay kapansin pansin na maluwag ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA.
Napag-alaman na P500 ang multa sa mga lumabag na pribadong motorista o yaong pumasok sa yellow lane habang dalawang daang piso naman sa mga bus na lalabas sa yellow lane.
Ang yellow lane ay para lamang sa mga buses at bawal ang mga pribadong sasakyan kabilang ang taxi at AUVs.
Sisimulan na rin ang mahigpit na pagpapatupad nito sa kahabaan ng Edsa.
- Latest