^

Metro

Tandem natakot sa checkpoint, tumakbo, motorsiklo inabandona

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa takot sa masita sa checkpoint ng mga tauhan ng Manila Police District-station 2, dalawang lalaki lulan ng motorsiklo ang bumaba at kumaripas ng takbo kung saan narekober sa compartment ng kanilang sasakyan ang  2 stun grenade at 2 pirasong live ammunition  sa Tondo, Maynila, batay sa ulat kahapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Nicolas Piñon, hepe ng MPD-station2, alas 10:30 ng umaga sa Road 10 malapit sa intersection ng Zaragoza St, Tondo, habang nagsasagawa ng checkpoint ang Delpan Police Community Precinct ay namataan ang pagkaripas ng takbo ng dalawang lalaki sakay ng  motorsiklong Honda XRM ( 7425 ON).

Nang lapitan ng mga awtoridad ang inabandona ng mga ito na motorsiklo ay doon na nga nakita ang 2 stun grenade o flash grenade, 2  piraso ng .357 na bala.

Ayon sa Explosive and Ordnance Division, ang dalawang granada ay hindi improvised kung di ito ay tulad ng iniisyu ng pamahalaan sa mga military at kapulisan. Gamit umano ito sa mga raid kung saan pansamantalang nabubulag ng hanggang 5 minuto ang mga naaapektuhan ng pagkalat ng liwanag kung ito ay idetonate o pasabugin.Dahil dito, nagrequest na ang MPD sa Land Transportation Office (LTO) ng verification sa nakuhang plate number ng motorsiklo para matukoy ang pangalan ng may-ari nito para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

ANG

ATILDE

AYON

DAHIL

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

GAMIT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MANILA POLICE DISTRICT

NICOLAS PI

ZARAGOZA ST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with