^

Metro

Shabu gamit na pusta sa sugal: 4 timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Marikina City Police ang 4 na sugarol na gumamit ng shabu bilang pusta sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Marikina City Police chief P/Senior Superinten­dent Vincent Calanoga ang mga suspek na sina Marvin Sumang;  Jeffrey Atacador; Bernabe Jelacio at William Ponion, pawang nasa hustong gulang at residente ng naturang lungsod.

Sa ulat, nabatid na dakong alas- 7:30 ng umaga ng ares­tuhin ang mga suspek sa Socorro Public Market sa Brgy. Sta. Elena, habang naglalaro ng cara y cruz at ginagamit na pusta ay shabu.

Nagsasagawa ang mga pulis ng operasyon sa lugar nang mapansin ang grupo na nagsusugal kaya’t kaagad na inaresto ang mga ito.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong pirasong plastic sachet ng shabu.

Ang mga suspek, na detenido na, ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 at PD 1602.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BERNABE JELACIO

JEFFREY ATACADOR

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARVIN SUMANG

MGA

REPUBLIC ACT

SENIOR SUPERINTEN

SOCORRO PUBLIC MARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with