^

Metro

Taguig scholarship fund itinaas sa P600 million ngayong 2016

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinaas ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa P600 million ang pondo ng LANI Scholarship Program sa taong ito mula sa P500 million noong nagdaang taon.

Taong 2011 nang  sinimulan ang scholarship program sa pondong P100 million na mas mataas sa P5 million na inilaan sa scholarship program ng dating administrasyon.

Nasimulan ang scholarship program sa pondong P100 million na tinapyas ni Mayor Lani Cayetano sa budget na inilaan ng da-ting administrasyon para sa pag­hakot ng basura.

Ang pondong iyun ay taun-taong dinagdagan ng P100 million sapul taong 2011.

Kaugnay nito, nagpaha­yag ng kumpiyansa si Mayor Lani na ang programang nakatulong sa 30,000 scholar ay maipagpapatuloy para maabot ng mga estudyanteng Taguigueño ang kanilang mga pangarap.

“Kami’y nakatitiyak na napunta ang pondo ng lungsod sa pagpapaunlad sa pinakamahalagang yaman nito: Ang mga kabataan ng lungsod. Ating pinag-isipan ang pag-invest sa human capital at ngayon ay napapakinabangan na natin ang mga benepisyo nito.    

 Tinitiyak ng administras­yon ni Mayor Lani ang pagbibigay ng de-kalidad at abot-kamay na edukasyon para sa bawat residente ng Taguig. Limang taon matapos itatag ang Lani Scholarship Program, ay pinakikinabangan na ng lungsod ang ipinuhunan nito.

 Saklaw ng LANI Scholarship Program ang mga technical/vocational course, mga degree course, mga graduate study, medicine, law, at maging ang mga re­­view.

Malawak din ang alok na educational support ng LANI Scholarship Program. Mayroon itong Premier, Full, Prio-rity Courses, at Skills training para sa mga indibidwal na may natatanging katalinuhan.

ACIRC

ANG

LANI

LANI SCHOLARSHIP PROGRAM

MAYOR LANI

MAYOR LANI CAYETANO

MGA

PAMAHALAANG LUNGSOD

PROGRAM

SCHOLARSHIP

SCHOLARSHIP PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with