^

Metro

Jeep salpok sa tren: 1 patay, 5 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa ang patay ha­bang lima ang sugatan kabilang ang dalawang nasa malubhang kalagayan, nang matumbok ng tren ang sinasakyan nilang pampasaherong dyip sa riles ng Ped­ro Gil sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital si Bernardita Matias, 57, clerk sa M. Hizon Ele­mentary School.

Sa ulat ni SPO2 Ma­rio Lising, ng Mani­la District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nilalapatan pa ng lunas  sa Lourdes Hospital ang mga bikti­mang sina Carilla Gildret, 30, Overseas Filipino Worker (OFW), ng Ri-ver City Residences, Sta. Ana, Maynila at Glecy Yai, 41, cashier na nasa Philippine Gene­ral Hospital.

Nakauwi na ng ba­hay ang tatlo pang su-gatan na sina Romeo Gragasin, 57, aircon technician; Paul Vincent Aquilino, 18, estudyante; at Elizabeth Queen Magat, 19, estudyante.

Nabatid na alas- 7:00 ng gabi kamaka-lawa nang maganap ang insidente sa P. Gil sa panulukan ng Qui­rino Avenue, kung saan natumbok ng tren ng  PNR  ang dyip na may plakang PCV 165 na minamaneho ni Mar­lon Verdida at may rutang Sta. Ana-Padre Faura.

May nakakita na hi­nabol pa umano ng dyip ang pagbaba ng barrier ng railroad crossing kaya ina­bot ito ng paparating na tren at nang matumbok ay bumang­ga naman sa isang aluminum delivery van. (With trainees Apple Cagata, Andrea Abello at Angel Natalio)

vuukle comment

ACIRC

ANA HOSPITAL

ANA-PADRE FAURA

ANDREA ABELLO

ANG

ANGEL NATALIO

APPLE CAGATA

BERNARDITA MATIAS

CARILLA GILDRET

CITY RESIDENCES

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with