^

Metro

Re-routing sa Pista ng Itim na Nazareno

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Narito ang inilatag na traffic re-routing ng MMDA para sa araw ng Sabado.

Nabatid, na ang mga sasakyan mula northern part ng Manila na nais dumaan ng southbound leg ng Bonifacio Drive ay kakanan sa  Roberto S. Oca St., kaliwa sa Delgado St., kaliwa sa Bonifacio Drive, kanan sa Soriano Ave. hanggang Magallanes Drive, kanan sa  P. Burgos St., diretso sa Lagusnilad tungong Taft Ave.

Ang lahat namang heavy vehicles at cargo trucks ga-ling sa southern Metro Manila ay dumaan sa Osmeña Drive, kanan sa Quirino patungong  Nagtahan St.

Para naman sa buses mula Southern Metro Manila na dadaan sa Taft Ave. ay hindi papayagang pumasok mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Papayagan silang dumaan sa Quirino.

Ang mga motoristang gustong magtungo sa north o south ng Manila ay dumaan sa may Lacson hanggang Nagtahan o maaa­ring sa kahabaan ng Road 10 hanggang Roxas Boulevard upang makaiwas sa trapik.

Ang mga motorista naman na galing Quezon City na dadaan sa España Boulevard ay kanan sa P. Campa St., kaliwa sa Andalucia St., kanan sa  Fugoso St., kaliwa sa T. Mapua St. patungong destinasyon.

Ang mga behikulo naman na pupunta sa  South Pier Zone ay kaliwa sa Nicanor Reyes St., kanan sa Recto, kaliwa sa Reina Regente St., deretso Jones Bridge patungong destinasyon.

Ang mga galing naman Divisoria, na dadaan sa Recto ay kumaliwa na sa T. Alonzo St., kanan sa Fugoso St., kaliwa sa Andalucia St. patungong destinasyon.

Samantala, ang mga galing Legarda, kanan sa Recto o kaliwa sa Mendiola patungong destinasyon.

ALONZO ST.

ANDALUCIA ST.

ANG

ATILDE

BURGOS ST.

CAMPA ST.

DELGADO ST.

FUGOSO ST.

KALIWA

KANAN

TAFT AVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with