^

Metro

Inilaan ng Makati City P.1-M reward vs tanod na namaril noong New Year’s Eve

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa P100,000 pabuya ang nakatakdang ibigay ni Makati City Mayor Ro­mu­lo ‘Kid’ Peña sa sinumang makapagtuturo sa pinaghahanap na barangay tanod na si Raymundo Liza na responsable sa pamamaril at pagpatay sa 7-anyos na batang lalaki at sa isang binata na naganap sa boun-dary ng Makati at Taguig City noong pagsalubong  ng Bagong Taon.

Nabatid na si  Liza ang bumaril at nakapatay sa pitong taong gulang na sina Mark Angelo ‘‘Macmac’’ Diego at kay John Edward Pascual.

Ayon sa  alkalde,  pag-uusapan pa lamang ng pamahalaan lungsod ang pinal na halaga ng pabuya, ngunit sa ngayon aniya ay P100,000 ang kanyang iniaalok.

May mga impormasyon aniya silang natanggap na nasa Makati pa ang suspek, gayunman may mga nagsasabing nakalayo na umano ito.

Inaalam na rin anya nila kung aktibo pa ito sa barangay o suspendido o nadismis na at iniimbestigahan na rin kung may lisensiya ang kalibre .45 baril na ginamit nito sa pa­mamaril.

Tiniyak ni Peña, baga­ma’t ang Taguig ang may hurisdiksyon sa kaso, nakahanda silang tumulong sa ikadarakip ng suspek.

Samantala, nakatakdang sampahan ng Taguig City Police ng kasong murder si Liza.

Nabatid kay Senior Superintendent Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, hinihintay na lamang nila ang death certificate ng mga nasawi upang maisampa na ang reklamo laban kay Liza.

Sa ngayon ay tatlong lugar na ang sentro ng manhunt.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ang Taguig City Police sa South Cotabato-PNP dahil taga-Polomolok ang suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BAGONG TAON

JOHN EDWARD PASCUAL

MAKATI

MAKATI CITY MAYOR RO

MARK ANGELO

NABATID

NBSP

TAGUIG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with