^

Metro

Binata todas sa rambol

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang binata at tatlong kasamahan nito ang malubhang nasugatan nang pagtripang pagsasaksakin ang mga ito ng isang grupo ng kalalakihan sa isang rambol kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Dead on arrival sa South Superhighway Hospital ang biktimang si Nestor Ganab,  21,  helper, nakatira sa  #140 Sitio Wella II, Merville ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng dalawang saksak sa dibdib at tiyan buhat sa isang patalim.

Ginagamot naman sa naturang ospital sina Dominador Lacasandali, 20, binata, pintor,  nagtamo ng saksak sa kaliwa’t kanang sikmura; Daniel Andales,  23, isang butcher, nagtamo ng malalim na saksak sa dibdib at Raffy Perez, 24, isa ring  helper na nagtamo ng sugat sa kaliwang mata.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Raffy Mahusay, 26, binata, ng #7 Promise Land Merville Access Road ng naturang lungsod.

Lumalabas sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente, ala-1:00 ng madaling araw sa Sitio Wella, Pag-Asa II Merville,  Barangay 201, Zone 20 ng naturang lungsod.

Habang naglalakad ang mga biktima, nakasalubong nila ang grupo ng mga suspek.

Nagkatinginan muna ang mga ito hanggang sa nauwi sa suntukan at habang nagkakagulo ay bumunot ng patalim ang mga suspek at sinaksak nila ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang mga biktima naman ay mabilis na dinala sa naturang ospital, subalit hindi na umabot ng buhay si Ganab. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at inaalam na rin ang motibo nito.

vuukle comment

ANG

DANIEL ANDALES

DOMINADOR LACASANDALI

JOEL B

MERVILLE

MGA

NBSP

NESTOR GANAB

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SITIO WELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with