^

Metro

Babanat sa prusisyon ng Nazareno: 6 holdaper timbog, 4 baril nakumpiska

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na umano’y holdaper na pinaniniwalaang aatake sa ka-lagitnaan ng Thanksgiving Procession ng Itim na Nazareno ang natimbog habang nagpa-pot session sa nakaparadang tricycle sa likod ng Quinta market sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling- araw.

Sa detalyeng ibinigay ni PO1 Alexander Bioso, nakapiit na ang mga suspek na kinilalang sina Erickson Villar, 27, ng Varona st., Tondo; Dennis Gonza-les, 22, ng Basan st., Quiapo; Jerick Narciso, 21, Globo De Oro st., Quiapo; Jonathan Abustan, 23, ng Basan st., Quiapo; Paul Aris Noriega, 30, ng Oroquieta st., Sta. Cruz at Aries Villa, 20, ng Norzagaray, Quiapo, pawang sa Maynila.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril; isang kalibre .45 at 2 pen gun, iligal na droga at drug paraphernalias. Nasamsam din sa kanila ang isang cellphone na naisoli pa ng mga awtoridad sa biktimang babae.

Ayon kay Chief Insp. John Guiagui, alas 3:00 ng madaling-araw kahapon bago pa magsi­mula ang Thanksgiving Procession ng Black Nazarene ay nagsaga­wa muna sila ng preventive criminality campaign.

Natiyem­puhan nila sa pag-iikot ang mga suspek na ang ilan ay sakay ng naka­himpil na tricycle at ilan ay nasa kubol na diumano’y nagpa-pot session.

Nang rikisahin, nakuha sa kanila ang mga baril, cellphone at isang maliit na sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Inihahanda na ang isasampang reklamong illegal possession of firearms, possession of illegal drugs at drug paraphernalias sa Manila Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ACIRC

ALEXANDER BIOSO

ANG

ARIES VILLA

BLACK NAZARENE

CHIEF INSP

DENNIS GONZA

ERICKSON VILLAR

GLOBO DE ORO

JERICK NARCISO

THANKSGIVING PROCESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with