^

Metro

TBS member utas sa 2 bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak mula sa motorsiklo at binawian ng buhay ang isang 28-anyos na miyembro umano ng True Brown Style (TBS) gang nang barilin ng miyembro naman ng kalabang grupo sa Barrio Obrero, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Ricard Tenorio, ng Vizcaya st., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa ulo at kilay.

Hinahanting na ng mga awtoridad ang mga suspek na na­kilala sa mga alyas na “Ron-ron” at “Wa”, sinasabing mga residente ng Hermosa, Tondo.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:07 ng gabi, sa panulukan ng Roxas at Gomez Sts., sa Bo. Obrero.

Nakita umano ang dalawang suspek na matagal na nag-aabang sa nasabing kalye at nang dumaan na ang biktima lulan ng motorsiklong Yamaha Mio ay nagmenor ito na posib­leng namataan din ang mga suspek.

Mabilis namang bumunot ng baril ang suspek na si Ron-ron at pinaputukan kaagad sa ulo ang biktima na ikinabuwal nito mula sa motorsiklo. Nang nasa lapag na ay malapitan pang pinutukan sa mukha ang biktima.

Nagsilbing alalay lamang umano si alyas Wa na pumulot muna sa basyong bala sa kalye bago sila magkasamang tumakas.

May impormasyon na resbak ng grupo ng suspek ang nangyari dahil bago ang Pasko­ ay unang umatake umano ang biktima laban sa mga suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARRIO OBRERO

GOMEZ STS

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

MICHAEL MARAGGUN

RICARD TENORIO

RON

TRUE BROWN STYLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with