^

Metro

12 ‘tulak’, timbog sa buy-bust operation

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang ‘12 tulak at adik’ ng droga sa magkakahiwalay ng Oplan Galugad  at buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa lungsod ng Las Piñas, Muntinlupa at Pateros kamakalawa.

Sa ulat na isinumite ni Police Sr. Supt. Jemar Mo­dequillo, hepe ng Las Piñas City Police sa tanggapan ni Police Chief Supt. Henry S. Ranola Jr., District Director ng Southern Police District (SPD), nadakip sina Felicidad Cusi “alias Nanay Jean”, 58,  na nasa top 3 sa listahan ng mga drug personality, nakatira sa #1104 Bayabas St., BF International, Brgy. CAA; magkaanak na sina Edgar Enaje, 40 at Jeffrey Enaje, 32, kapwa taga #109 Mayuga Compound, Sampaguita Dulo, Laong, Brgy. Almanza Uno, pawang ng naturang lungsod.

Alas-4:45 ng hapon nang madakip sa isinagawang  buy-bust operation ang tatlo ng Station Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (SAID-SOTG), Las Piñas City Police  sa kahabaan ng J. Aguilar Ave., Brgy. Las Piñas kung saan nakumpiska rito ang dalawang plastic sachet ng shabu at P600 buy-bust money.

Bandang alas-11:30 ng gabi naman nang nadakip ng mga tauhan ni Police Sr. Supt. Nicolas Salvador, hepe ng Muntinlupa City Police sina Elmer Jamir, 40; Sigfredo Morata, 40; Paul Aguado, 50 at Allan Abella, 47 sa isang buy-bust operation sa #42 Crispin Extension, Sitio Rizal, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Nakumpiskahan ang mga ito ng ilang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalias

Makalipas  ang  25 minutos ay nahuli naman ang  magkamag-anak na sina Robert Almerante, 26 at Leo Almerante, 20, kapwa tubong Canggawa, Buenvista, Bohol; Rodelio Inocencio, 54, ng #145 PNR Site, Sunrise Subdivision, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City  sa isinagawang Oplan Galugad sa Purok 3  ng naturang lugar. Nakuhanan ang mga ito  ng drug paraphernalias.

Samantala, sa area naman ng Pateros, nadakip sina Raquel Nacional, 38, at kaanak nitong si Crisanto Nacional, 41 sa isang buy-bust operation sa #111 M.R. Flores St., Brgy. Santa Ana ng naturang bayan  alas-2:45 ng madaling araw.

Nakuhanan ang mga ito ng isang plastic sachet ng shabu at P100 buy-bust money. Ang 12 suspek na nadakip ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, pagbebenta at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

AGUILAR AVE

ALLAN ABELLA

ALMANZA UNO

ANG

ATILDE

BRGY

CITY POLICE

LAS PI

NBSP

OPLAN GALUGAD

POLICE SR. SUPT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with