^

Metro

Erap, gagamit ng full force laban sa vendors at trapik

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapang na idineklara kahapon ni Mayor Joseph Estrada na aayusin at gagamitan ng full force ng kanyang administrasyon ang usapin ng mga vendors at tumitinding trapik sa Maynila, katuwang ang PNP Special Weapons and Tactics (SWAT) operatives.

Pangunahin umanong pupuntir­yahin ni Estrada ang mga illegal vendors at mga walang disiplinang moto­rista at pedestrians. Kaugnay nito ay palalakasin niya ang pangangasiwa ng vending and traffic sa pamama­gitan ng pagpapatupad ng “Discipline Zones” sa ilang mga lugar.

Ang pinaigting na vending and traffic management na magpapatupad ng Discipline Zones scheme ay pangu­ngunahan ng Team ng TFOV katuwang ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), MBB at lahat ng mga barangay ng Maynila, at buong suporta rito ang Manila Police District (MPD) at SWAT.

Mahigit 2,000 barangay volunteers aniya­ ang isasailalim sa masusing training­ para rito.

Inihayag pa niya na nais ni Estrada na unahin sa pinaigting na sistema ang kahabaan ng Recto Avenue papuntang Divisoria, na tinaguriang ‘Pambansang Palengke’ kung saan ay maraming mamimili ang dumadagsa laluna tuwing pa­nahon ng kapaskuhan.

“Ang mga illegal vendors; hindi awtorisadong terminal ng jeepneys, tricycles at pedicabs; tambak ng basura; illegally-parked vehicles na pawang mga road obstructions ang pangunahing tatar­getin ng team,” ayon pa kay Estrada.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DISCIPLINE ZONES

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

MAYOR JOSEPH ESTRADA

MGA

PAMBANSANG PALENGKE

RECTO AVENUE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with