^

Metro

Estudyanteng Nigerian, huli sa karnap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huli sa akto ang isang estudyanteng Nigerian   ha­bang  minamaneho nito ang isang ‘hot car’ sa may service road ng Roxas Boulevard, kamakalawa ng hapon.

Nakapiit na sa Manila Police District-Anti-Carnap­ping and Hijacking Section ang suspek na si Basharo Galadima, 26 at nanunuluyan sa Room 11 Golden Mango Inn, J. Bocobo St., Malate, Maynila.

Nabatid na pormal na naghain ng reklamo ang biktimang si Carl Julius Fe­derico, 34, negosyante ng Block 6, Lot 12,  Sierra Madre St., Bermuda Subdi­vision, Pamplona 1, Las Piñas City  laban sa suspek.

Nabatid na sa pamamagitan ng online ay ibinebenta niya ang sasakyang Mazda 2011 model (POM 108) at nag-inquire ang sus­pect hanggang sa nagkita sila sa restaurant at nag-usap ng presyo noong nakalipas na Disyembre 15. Maya-maya ay lumabas umano ang suspek na hawak ang susi ng sasakyan, subalit ang paalam ay  maninigarilyo lamang subalit nakita ng biktima na sinak­yan nito ang kotse at pinaharurot at hindi na bumalik.

Ipinaalarma ng biktima sa pulisya ang pagtangay ng suspek sa kanyang sa­sakyan hanggang sa mamataan umano ito kamakalawa ng hapon na nakasakay pa sa nasabing  kotse at pansamantalang nakaparada sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Malate.

Nang lalapitan nina PO1 Alde Salazar at PO1 Mark Lorenzo Mateo, nakatalaga sa  Remedios Police Community Precinct, dakong ala-1:30 ng hapon ay lumabas ng kotse at nagtatakbo ang suspek hanggang sa makorner sa seawall ng Baywalk.

ACIRC

ALDE SALAZAR

ANG

BASHARO GALADIMA

BERMUDA SUBDI

BOCOBO ST.

CARL JULIUS FE

GOLDEN MANGO INN

HIJACKING SECTION

NBSP

ROXAS BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with