^

Metro

Pang-9 na ‘Oplan Galugad’, isinagawa sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ika-9 na pagkakataon muling nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Bureau of Corrections sa loob ng New Bilibid Prison kung saan muling na namang nakakumpiska ng mga kontrabando sa ilang selda ng mga preso sa Muntinlupa City, kahapon.

Ayon kina BuCor Director Retired General Ricardo Rainier Cruz 3rd at NBP Supt. Richard Schwarzkopf, isinagawa ang ope­rasyon sa medium security compound, ng naturang bi­lang­guan.

Sa kanilang pagsalakay ay muling nakasamsam ng mga appliances, electro­nic gadgets, mga patalim at drug paraphernalias mula sa ilang selda ng mga preso at bisinidad nito tulad ng hardin at visiting halls.

Ang ilan sa mga nakumpiskang mga kontra­bando tulad ng applian­ces  ay napag-alaman na hiniram umano ng mga preso sa ilang BuCor per­sonnel kung saan ang ilang BuCor personnel ay inisyuhan ng appliances para sa opisyal nilang gamit.

Nabatid na ang ibig lang sabihin nito, mismong ilang kawani ng BuCor ang kumukunsinti sa ilang inmates na gumamit ng appliances na itinuturing na kabilang ito sa mga kontrabando.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BuCor ukol dito. Matatandaan, na noong Disyembre 8 ng taong kasalukuyan, anim na prison guards ang nakuhanan ng mga kontrabando na sumasailalim sa imbestigasyon ng BuCor.

ACIRC

ANG

AYON

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR RETIRED GENERAL RICARDO RAINIER CRUZ

MGA

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

OPLAN GALUGAD

RICHARD SCHWARZKOPF

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with