^

Metro

60 pamilya benepisyaryo sa housing program ng Parañaque

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang magkaroon ng di­senteng pamumuhay, nasa 60 pamilya ang ire-relocate  sa kanilang mga bagong tirahan bunga ng patuloy na pagpapatupad ng socialized housing program ng pamahalaang lungsod ng Parañaque at Home Foundation Inc.

Nabatid kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang mga informal settler families ay nagmula sa  Barangay Don Bosco, San Antonio at Barangay Moonwalk at ililipat ang mga ito sa Bagong Parañaque Homes, na matatagpuan sa  C5 Road Extension, Barangay La Huerta ng natu­rang lungsod.

Ang nasabing relokasyon ay bahagi ng paglalayon ng pamahalaang lungsod, na mailikas sa mas ligtas at malinis na lugar ang mga pamilya na ang bahay na nasa mapa­nganib na lugar tulad ng tabi ng mga kanal, riverbanks at maging sa ilalim ng mga tulay at sa gilid at airport.

Nabatid, na ang tatlong ektaryang relocation site ay dinevelop ng city government na kung saan ay pwedeng patayuan ng 2-storey condo­minium na aabot sa 1,000 housing units.

Ayon pa kay Olivarez, ang naturang mga bahay ay babayaran ng mga ito sa murang halaga, P200 kada buwan sa loob ng 30-taon.

Katuwang ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang pagpapatupad ng housing­ program ay ang Habitat for Humanity, Rotary Homes Foundation at City Urban Mission Areas Development Office sa ilalim ng Parañaque City Housing­ Board.

ACIRC

ANG

ATILDE

BAGONG PARA

BARANGAY DON BOSCO

BARANGAY LA HUERTA

BARANGAY MOONWALK

CITY HOUSING

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

CITY URBAN MISSION AREAS DEVELOPMENT OFFICE

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with