Life hatol sa killer ng ina ni Cherry Pie Picache
MANILA, Philippines – Hinatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court ang suspek sa pagpatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Pica-che noong Setyembre 19, 2014 sa lungsod.
Ito ay makaraang ma-patunayang guilty kahapon ni QC RTC Judge Alfono Ruiz ang akusadong si Michael Flores, houseboy ng biktima, sa kasong robbery with homicide.
Bukod sa habambuhay na kulong, pinagbabayad din ng korte si Flores ng P1,245,000 halaga bilang danyos sa pamilya ng biktima, gayundin ng P50,000 penalty bilang moral damages at P50,000 para sa civil indemnity.
Matinding pasasalamat naman ang nasambit ni Cherry Pie sa mabilis na paghatol ng korte sa akusado at pagbibigay ng hustisya sa kanyang ina na dumalo sa pagbaba ng hatol ng korte sa akusado.
Tumayong kasamba-hay ni Sison, 75-anyos ang 29-anyos na si Flores na sinasabing madalas sa bahay ng biktima para maglinis ng bahay.
Si Flores ay naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) noong Oktubre sa isang bahay sa Laguna sa tulong CCTV footages na nakuha sa crime scene.
Sa CCTV footages nakita ang short at t-shirt ng suspek narekober sa crime scene na nagpatibay ng ebidensiya laban kay Flores.
Sinasabing ang naku-hang short at t-shirt sa crime scene ay siya ring mga damit na suot ni Flores na nakita sa CCTV footages nang pagnakawan at patayin ang biktima na si Sison.
Inamin din ni Flores na unang plano niya ay pagnakawan lamang ang matanda subalit nagtitili ito nang magising mula sa pagkakatulog kaya nasaksak niya ito at tuluyang pinatay.
- Latest