^

Metro

Lim nagpaliwanag sa isyu ng graft

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang basehan at itinuturing ng kampo ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na bunga lang ng madu-ming pulitika ang pagsasabit sa kaniyang pangalan sa kasong katiwalian na nakasampa sa tanggapan ng Ombudsman.

Sinabi ni Atty. Renato Dela Cruz, abugado ni Lim, na ang panahong sinasabing kumita ng P216,368,258.93 ang Tokogawa mula 2013 hanggang ngayon ay hindi naman ito kinolekta ng administrasyon ni Lim kundi ng kasalukuyang administrasyon ni Manila Mayor Joseph Estrada, Bise na si Isko Moreno at ng City Council.

Nabatid na nag-ope-rate lamang ang Tokogawa noong Hunyo 2013 sa Binondo area lang at nagpalit na ng pamunuan dahil Hulyo 1, 2013 ay nakaupo na si Estrada.

Ang City  Council of Manila na pinamumunuan ni Moreno bilang presiding officer ang nagpasimula sa kontrata. Pinagtibay ito noong Mayo 3, 2011 sa Re­solution No. 107 na nag-aatas kay Lim na pumasok sa kontrata upang ayusin at gawing modern ang parking system sa pamamagitan ng paglalagay ng parking meters sa Chinatown, Binondo at Divisoria.

Nang magpalit na ng administrasyon, hindi lang umano pagpapatuloy ng MOA ang ginawa ni Estrada kundi nakakuha pa mula sa City Council ng patuloy na awtoridad upang pumasok sa Supplemental Contracts sa Tokogawa. Ayon sa Resolution No. 91 na may petsang  Setyembre  17, 2013 pinayagan ng konseho ang Tokogawa na lawakan ang parking system at sakupin pati Ermita, Malate, San Lazaro at iba pang erya sa lungsod.

Nasundan pa ito ng isa pang Supplemental Agreement sa Tokogawa at Matsuyama noong Oktubre 9, 2013 para maisama sa par­king system ang Ermita, Ma­late, Mendiola, University Belt, Tayuman, Blumentritt at San Lazaro na pinagtibay ng City Council sa Resolution No. 111 noong Okt. 17, 2013.

Ang pinasok umano ng dating administrasyon ay experimental lang na maaring baguhin o ikansela subalit ipinagpatuloy.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG CITY

BINONDO

CITY COUNCIL

COUNCIL OF MANILA

ERMITA

NBSP

RESOLUTION NO

SAN LAZARO

TOKOGAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with