Sa panibagong ‘Oplan galugad’ mga kontrabando, nasamsam uli sa Bilibid
MANILA, Philippines – Mistulang hindi maubos-ubos ang mga nakatagong kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison makaraang muli na namang makasamsam ang mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilang selda dito sa panibagong ‘Oplan Galugad’ na isinagawa sa nabanggit na piitan, kahapon ng umaga.
Nabatid na hinalughog ng raiding team ng BuCor ang mga selda sa Building 13 sa Maximum Security Compound ng NBP, na sinasabing balwarte ng ‘Genuine Ilokano’ at mga batang Cebu.
Sari-saring mga appliances, improvised shotgun, bala, pana, sima, communication gadgets, signal boosters, entertainment, gambling items at mahigit sa daang bilang ng mga patalim ang nasabat.
Nasa anim na beses na nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga raiding team ng BuCor sa nakaraang buwan ng Nobyembre.
- Latest