^

Metro

Alay Lakad kontra Droga isinagawa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdaos kahapon ng Alay Lakad Kontra Droga ang Eastern Police District (EPD) sa ilalim ng pamumuno ni P/Chief Supt. Elmer Jamias.

Katuwang ng EPD sa naturang aktibidad ang Pasig City local government, sa pamamagitan ng Anti-Drug Abuse Council of Pasig (ADCOP), mga local Chief Exe­cutives at mga coordinating at support agencies.

Ang aktibidad ay may temang “mamamayan at pulisya magkasangga­ laban sa droga,” ay si­nimulan dakong alas-5:00 ng umaga, sa M.C. Eusebio Quadrangle, Pasig City.

Naging panauhing pagdangal nito si NCRPO Regional Director P/Director Joel Pagdilao, na siya ring naging speaker.

Nasa 10,000 ang lumahok sa aktibidad na kinabi­bilangan ng mga estudyante, mga miyembro ng mga non-government organization (NGO), at mga local govern­ment units ng Marikina­, Pasig, Mandaluyong at San Juan.

Naging highlight ng okas­yon ang pagsira sa isang effigy ng drug pusher, na sinundan ng Pledge of Commitment para labanan ang illegal na droga.

Ayon kay Jamias, isinagawa ang aktibidad kasabay nang pag-obserba sa taunang Drug Abuse Prevention and Control Week (DAPC Week) na may temang “Lets Develop Ourselves, Our Communities, and our Identity without drugs.”

Nais rin aniya nitong ipa­kita na ang matinding pagnanais ng PNP, partikular ng EPD, na tuluyan nang masugpo ang illegal na droga sa kanilang area of responsibility.

Layunin rin nitong makabuo ng camaraderie at pagkakaisa sa komunidad, Pasig City Government at mga pulis para sa isang lipunang walang droga o drug-free society.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF EXE

CHIEF SUPT

DIRECTOR JOEL PAGDILAO

DRUG ABUSE COUNCIL OF PASIG

DRUG ABUSE PREVENTION AND CONTROL WEEK

EASTERN POLICE DISTRICT

ELMER JAMIAS

PASIG CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with