^

Metro

Obrero lasog sa tren

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang katawan at agad na binawian ng buhay ang isang 20-anyos na factory worker nang masagi ng passenger train ng Philippine National Railways (PNR) habang dala-dala ang mga napulot na panggatong sa bahagi ng Kahilum, Pandacan, Maynila, sa ulat kahapon.

Nasa 20 metro ang binagsakan ng tumilapong biktimang si Mark Jeb Gomez, residente ng Kahilum I , Panda­can, Maynila  na nagresulta sa kaniyang kamatayan.

Sa ulat ni SPO3 Hipolito Borigas ng Manila Police District-Station 10, dakong alas-9:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa riles malapit sa Kahilum I, Pandacan.

Habang naglalakad uma­no ang biktima at pinsan nito mula sa pamumulot ng panggatong na kahoy sa bahagi ng Osmeña Highway ay nasagi ng rumaragasang tren na pabalik sa Tutuban.

Sinabi ng makinista na kinilalang si Dominador Men­doza hindi niya agad napansin na nasagi ng tren ang biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

DOMINADOR MEN

HIPOLITO BORIGAS

KAHILUM I

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARK JEB GOMEZ

MAYNILA

PANDACAN

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with