^

Metro

‘Oplan Galugad’ uli, isinagawa sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nakasamsam ng mga kontrabando na kina­bibilangan ng mga baril, appliances at electronic gad­gets  ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) nang  magsagawa ang mga ito ng ikaapat na ‘Oplan Galugad’  sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Ayon kay BuCor director retired Lt. General Rainier Cruz III,  alas-5:00 ng umaga  nang suyurin ng may 100 raiding team ng BuCor  ang quadrant 4, na nasa building 9 sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP, na nasa 1,000 inmates ang nakabilanggo dito.

Halos may limang oras na nagsagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang operatiba sa mga selda ng pangkat ng ‘Sigue-Sigue Sputnik’, ‘Commando Gang’ at ‘Genuine Ilocano Goup’ (GIG).

Ginalugad din ng mga ito ang building 14 ng Maximum Security Compound, kung saan nakapiit  ang may 53 high profile inmates.

Nasamsam ng raiding team ang isang improvised shot­gun, 1 kalibre .45, 1 kalibre .38, cellphone, drug parapherna­lias, ilang patalim, remote helicopter, improvised cooler o refrigerator, mga flat screen television, antenna, signal booster, microwave, plain card, component at mga cellphone.

Iniimbestigahan na ang mga bilanggong nakakulong sa mga quadrant na nakuhanan ng naturang mga kontrabando.

Matatandaan, na kamakailan lamang ay nakakumpis­ka ng napakaraming kontrabando ang mga awtoridad sa kanilang sunud-sunod na raid  sa nabanggit na bilangguan.

ACIRC

ANG

BUREAU OF CORRECTIONS

COMMANDO GANG

GENERAL RAINIER CRUZ

GENUINE ILOCANO GOUP

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MGA

MUNTINLUPA CITY

NBSP

OPLAN GALUGAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with