Maynila, maipagmamalaki sa APEC Summit -- Erap
MANILA, Philippines – Ngayong nakapokus sa Metro Manila ang buong mundo dahil sa gagana-ping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting sa bansa sa Nobyembre 18-19, nagpahayag ng kumpiyan- sa at kasiguruhan si Mayor Joseph “Erap” Ejercito Estrada na ang Lungsod ng Maynila ay hindi magiging kahiya-hiyang tawa- ging country’s Capital City.
“To the world media, Manila will be the face of the Philippines during this historic meeting of the world’s most influential leaders. That is why, from the moment I assumed office as the local chief executive, I already ordered a major sprucing up of our parks, monuments, other public places and including playgrounds,” paliwanag ni Mayor Estrada.
Ayon sa alkalde, inatasan niya ang officer-in-charge ng Parks Development Office na si Arsenic A. Lacson, upang pag-ibayuhin ang ginagawang pagsasaayos at paglilinis sa mga pampublikong lugar sa Maynila, partikular yung mga posibleng puntahan o daanan ng mga pinakamatataas na lider, mga opisyal nito, at ng kani-kanilang mga miyembro ng pamilya.
Ayon naman kay Lacson, anak ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson, agad naman silang tumalima sa kautusan ni Mayor Estrada simula nang maupo pa lang ito bilang alkalde ng Maynila.
Una rito, hinimok ni Estrada ang mga Manilenyo na makiisa at makipag-kooperasyon sa isinasagawang preparasyon ng lokal na pamahalaan para sa APEC meet.
Kabilang sa mga parke na kanila nang naisaayos at nalinis ay ang Plaza Guerrero, na matatagpuan malapit sa US Embassy.
Idinagdag pa niya na ang ilang parke ay naapek-tuhan ng on-going infras-tructure projects at road repairs sa Manila.
Ito ay ang Plaza Azul sa Quirino Avenue na ginawang tambakan ng lupa at mga bato ng mga trabahador sa isinasagawang Skyway III project, subalit ipinangako naman aniya ng contractor (DMCI Construction) na tutulong sila sa paglilinis sa nasabing lugar.
- Latest