^

Metro

Kasabay ng hearing sa senado MRT-3, muling nagkaaberya!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang naantala ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga bunsod ng panibagong aberya na naganap sa isa sa mga tren nito. Ito’y naganap kasabay nang pag-arangkada kahapon ng imbestigasyon ng Senado sa estado ng MRT-3. Ayon sa traffic command center ng MRT, dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa North Avenue Station sa Quezon City.

Nabatid na itinigil ng mga personnel ng MRT-3 ang pagpapasok ng mga pasahero sa southbound lane ng mga istasyon bunsod nang pagtigil ng isang depektibong tren. Tumagal ng kalahating oras bago tuluyang nahatak at naihatid sa depot ang depektibong tren. Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging­ diprensya nito. Nang maialis ang nasirang tren ay kaagad na­mang naibalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

INAALAM

ITO

METRO RAIL TRANSIT

NABATID

NANG

NORTH AVENUE STATION

PANSAMANTALANG

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with