^

Metro

Motorsiklo salpok sa poste: Rider patay, angkas sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi habang sugatan ang kaangkas nitong babae matapos na sumalpok sa isang poste sa Brgy. Jesus dela Peña sa Marikina City, kahapon ng umaga. Matin­ding pinsala sa ulo at katawan ang agarang ikinasawi ng rider na si Rommel Romero, residente ng Brgy. Mayamot, Antipolo City. Ginagamot naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang kaangkas ng biktima na si Tricia Santos, na nagtamo rin ng matinding pinsala sa katawan dahil sa aksidente. Batay sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang ma­ganap ang aksidente sa A. Bonifacio Avenue ng Brgy.  Jesus dela Peña sa lungsod. Sinasabing nawalan ng kontrol ang rider sa kanyang motorsiklo sanhi upang bumangga ito sa poste ng Meralco. 

 

vuukle comment

ACIRC

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

ATILDE

BONIFACIO AVENUE

BRGY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

NBSP

ROMMEL ROMERO

TRICIA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with