^

Metro

Miyembro ng kidnap group timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang isang menor de edad na babaeng kidnaper o miyembro ng grupong dumudukot ng mga dalagita nang masundan ng kaniyang lola ang isa sa dalawang biktima,  sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Nakapiit sa  Manila Police District- Station 2 ang suspek na si  Rina, 17, at  residente ng  Parola Compound, Tondo.

Nabatid na naganap ang insidente pasado alas 8:00 ng umaga sa nabanggit na lugar sa Sandico  panulukan ng Asuncion st, sakop ng  Brgy. 13, Zone 2,

Lumilitaw na modus  operandi  ng suspek at mga kasabwat nito ang mag-abang ng mga dalagita na inuutusan ng kanilang mga kaanak at may hawak na pera at bibili sa tindahan. Aagawan ito ng hawak na pera at kapag humabol ang pakay na bibiktimahin ay isasakay ito sa van.

Nasa   alas 7:00 hanggang alas 8:00  ng umaga kung umatake umano ng pagdukot ang grupo ng suspek.

Kung hindi  umano nasundan ng lola ng isang alyas Eva, 10 anyos, ang kaniyang apo ay malamang na natangay ito ng suspek.

Nang hatakin ang biktima ay inagaw ng lola at nagkaroon ng  komosyon at nakita ito ni Brgy. Chairman Mario Macapagal dahilan para kuyugin at maaresto ang suspek.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso at tinutunton din ang van na tumakas nang magkaroon ng komosyon.

vuukle comment

AAGAWAN

ANG

ASUNCION

BRGY

CHAIRMAN MARIO MACAPAGAL

EVA

LUMILITAW

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NBSP

PAROLA COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with