4 timbog sa pag-iimprenta ng pekeng pera
MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang nalansag na ng Manila Police District – Station 11 ang isang grupo na namemeke ng pera matapos na madakip ang apat na katao sa isinagawang pagsalakay sa isang hotel, kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.
Nakilala ang mga suspek na sina Edwin Caba-ling, 30 at Ernani Cabaling, 33; Joel Celo, 33 at Nina Perez, 34.
Batay sa report ni MPD-Station 11 chief, Supt. Romeo Macapaz, tatlong araw nang naka-check in sa Ruyi Lucky Hotel sa Binondo ang mga suspek.
Isang tauhan ng hotel ang nakapansin ng kahina-hinalang sitwasyon sa kuwarto ng mga suspek lalo pa’t iba’t ibang tao ang labas pasok sa kuwarto ng mga ito.
Dito na isinagawa ang surveillance hanggang sa makakuha ng pagkakataon ang mga pulis sa pangungu-na ni Insp. Leandro Gutierrez dakong alas-4 ng hapon ng Martes kung saan sinabayan ng mga ito ang paglabas ni Perez ng kuwarto.
Tumambad sa mga awtoridad ang 92 piraso ng P1000 bills; Samsung laptop; HP Deskjet Printer; ink; silk screen na may mukha ng mga nakalagay sa P1000 bills; isang sachet ng shabu at mga shabu paraphernalia. May ilan pa ring P1000 bills na hindi pa nagugupit
Isang maliit na notebook din ang nakuha mula sa mga suspek na kinalalagyan ng mga cellphone number ng mga umoorder ng pekeng pera. Anila, nag-iimprenta lamang sila kung may order sa kanila.
- Latest