^

Metro

Sanggol, 3 pa tupok sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao kabilang ang isang sanggol ang pawang nasawi makaraang lamunin ng apoy ang isang residential area kabilang ang kanilang bahay sa Makati City, Linggo ng umaga.

Nasa dalawang buwan pa lamang ang sanggol na natupok kasama ang kanyang lolang si Annie Eneria, 52 at mga anak nitong nasa  14  at 8 anyos  na pawang mga residente ng Araro St., Brgy. Palanan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- Makati City, dakong alas-5:40 ng uma­ga nang unang sumiklab ang apoy sa naturang lugar.  Agad na kumalat ang apoy sa mga kabahayan sanhi upang itaas sa ikatlong alarma hanggang sa ganap na maapula dakong alas-6:16 ng umaga.

Sinasabing nasa anim pang residente ang nasugatan sa insidente at isinugod sa iba’t ibang pagamutan.  Nasa 30 pamilya naman ang nawalan ng tirahan nang maging abo ang kanilang mga bahay.

Hinihinala na nasa kasarapan ng pagtulog ang pamilya Eneria nang sumiklab ang apoy sa kanilang bahay.

Tinitignan naman ang posibilidad ng pagkakaroon ng iligal na koneksyon ng kuryente sa lugar na siyang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNIE ENERIA

APAT

ARARO ST.

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ENERIA

HINIHINALA

LINGGO

MAKATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with