^

Metro

Lulong sa droga, nag-suicide

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang binata ang nasawi makaraang magbaril sa sarili dahil­ na rin umano sa pagiging drug dependent kahapon sa Pasay City.

Kinilala ang nasawi na si Erwin Villanueva, 49, ng Brgy. 115 ng naturang lungsod na nagtamo ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .45 baril.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Senior. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, base sa pahayag ng kapatid­ ng biktima na si Maria Rosanna Villanueva nasa loob siya ng kanilang bahay alas-9:00 ng gabi, nang makarinig siya  ng putok ng baril mula  sa loob ng bahay ni Erwin.

Alas-7:00 kahapon ng umaga ay pinuntahan niya ang bahay ng kapatid na si Erwin para alamin kung ano ang nangyari dito.

 Dito tumambad sa kanya ang duguang  kapatid, na wala ng buhay, na nakaupo sa sofa, na may tama ng bala sa ulo  at hawak ang baril. Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga pulis, nagpaka­matay ang biktima at narekober sa bangkay nito ang ilang pirasong bala ng kalibre .45.

Nalaman sa mga kaanak ng biktima, na nagha-hallucinate ito dahil sa paggamit nito ng droga. Kumbinsido ang pamilya ng biktima na nagpatiwakal ito, kung kaya’t hindi na pinaimbes­tigahan ang pagkamatay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

DITO

ERWIN

ERWIN VILLANUEVA

ISANG

JOEL B

MARIA ROSANNA VILLANUEVA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with