^

Metro

Bebot na police asset, inutas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isa umanong babaeng asset ng pulis makaraang pagsasaksakin ng icepick at hatawin pa ng matigas na bagay sa ulo ng hindi natukoy na mga salarin sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO1 Raldwin Sanchez, ang biktima ay nakilalang­ si Sarah Villanueva, 32, ng Barangay Gulod Novaliches sa lungsod.

Sabi ng imbestigador, nahirapan silang makakuha ng detalye hingil sa pagkatao ng mga salarin dahil wala man lang sa mga residente ang nais na magsalita kaugnay sa krimen.  Nangyari ang insidente sa harap ng isang terminal ng pedicab na matatagpuan sa Masaya st., Brgy. Gulod, ganap na alas-7 ng gabi.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operation (SOCO) na ang biktima ay nagtamo ng multiple punctured wounds sa kanyang katawan, maging ang mukha nito ay depormado at basag din ang bungo nito. Patuloy ang pagsisi­yasat ng otoridad hingil sa insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY GULOD NOVALICHES

BRGY

GULOD

LUMILITAW

MASAYA

RALDWIN SANCHEZ

SARAH VILLANUEVA

SCENE OF THE CRIME OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with