No. 1 most wanted sa Metro Manila, timbog
MANILA, Philippines - Arestado ang itinuturing na number 1 most wanted person sa Metro Manila, na sangkot sa pagpatay sa isang police official sa isang follow-up operation na isinagawa ng Regional Police Intelligence Operating Unit ng National Capital Region Police Office (RPIOU-NCRPO) sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang nadakip na si Paul Jhon Romeral,37, naninirahan sa Luna St. Pasay City.
Si Romeral ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosario Ragasa, ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 108 dahil sa kasong murder.
Nabatid na namataan sa isang punerarya sa Arnaiz St., Makati City alas-12:00 ng madaling-araw ang suspect kung saan doon siya inaresto.
Base sa rekord ng pulisya, nabatid na tatlo katao na ang pinatay ni Romeral kabilang si Police Senior Inspector Virgilio Sinlo, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng NCRPO noong Agosto 15, 2012 sa Solitaria St., Pasay City.
Nabatid, na kinagat umano si Sinlo ng alagang aso ng tatay ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Sa kainitan ng komprontasyon ay doon na pinagbabaril ng akusado ang naturang opisyal ng PNP
Bukod sa kasong murder, sangkot din sa droga ang naturang akusado, kung kaya’t itinuring ito ng pulisya na number 1 most wanted person sa Metro Manila.
- Latest