Pagawaan ng pekeng pera, dokumento sinalakay
MANILA, Philippines – Sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang puwesto ng sindikato sa pag-imprenta ng mga pekeng US dollars at peso, sa C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila, kung saan nadakip ang apat na katao, kamaka-lawa ng hapon.
Ang aksiyon ay bunsod ng reklamong idinulog ng United States (US) Embassy sa CIDG-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) hinggil sa pagbabayad ng pekeng P1,000 bill para sa pagbabayad ng visa noong nakaraang Setyembre. Ang nasabing pekeng peso bill at ipinadala sa Bangko Sentral ng Pilipinas at kinumpirmang peke.
Naaresto sa raid sina BM Hinguillo, Leonora Boyles, Mark John Payas, at John Ryan de Guzman sa C. M. Recto Avenue kung saan nakumpiska ang isang Land Transportation Office (LTO) blank pouch, mga LTO blank Official Receipt (OR) form, iba’t ibang pangalan ng mga pekeng lisensiya ng LTO, mga lisensiya ng baril, ilang piraso ng LTO hologram, firearms and explosive division (FED) hologram, 56 piraso ng pekeng US 100 dollars, 145 piraso ng 1000 peso bill, 135 piraso ng 500 peso bills, isang Laptop, 2 computer desktop, t iba’t ibang accessories at paraphernalia sa pamemeke.
Nakapiit pa sa Manila Police District (MPD) ang mga suspek habang hinihintay pa ang isasampang reklamo sa Manila Prosecutor’s Office.
Sinabi ni Chief Insp.Wilfredo Valerio Sy, na alas-2:00 ng hapon ng Oktubre 14 nang salakayin ang lugar ng mga suspek.
- Latest