^

Metro

Operasyon ng Dagupan bus , sinuspinde ng 30 days ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) ng 30 araw ang operasyon ng Dagupan bus na may rutang Cubao, QC- Dagupan Panga­sinan at vice versa.

Ito ay bunga ng pagkaka­sangkot ng isang unit ng bus ng Dagupan (WQK- 485) sa isang madugong aksidente sa may Subic SCTEX sa Brgy.  Dolores Mabalacat Pampangga noong alas- 4 ng madaling araw ng May 10, 2015.

Kahapon, hindi sumipot ang may-ari ng Dagupan bus sa paunang itinakdang hearing ng LTFRB hinggil dito kung saan ang complainant ay isang Romeo Nuñez Larigo, ama ng pamilyang biktima sa aksidente.

Sa aksidenteng ito, tatlong bata na anak ni Larigo  ang namatay at maraming iba pa ang nasugatan nang salpukin ng Dagupan bus unit ang sinasakyan  ng mga biktima.

Ang unit ng bus na sangkot sa aksidente ay nakapaloob sa franchise no. 76-27095 na may kasama pang 30 units na kasama sa suspension order.

Kaugnay nito, inutos din ng LTFRB board na isailalim sa road worthiness test ang lahat ng sasakyan ng Dagupan bus sa LTO Motor Inspection Service, pagsasailalim sa drug test at Road Safety seminar ng mga driver at konduktor ng kompanya  partikular ang nakapaloob sa franchise. Pinasusurender rin ng LTFRB ang mga plaka ng bus units  at pinasusumite ang OR- CR ng naturang mga sasakyan.

Inutos din ng LTFRB board ang pag-impound sa mga bus unit ng Dagupan.

ACIRC

ANG

ATILDE

BUS

DAGUPAN

DAGUPAN PANGA

DOLORES MABALACAT PAMPANGGA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGU

MOTOR INSPECTION SERVICE

ROAD SAFETY

ROMEO NU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with