^

Metro

2 dismis na parak na nagpapanggap, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang dating miyembro ng Manila Police District (MPD) ang inaresto ng mga tauhan ng Del Pan Police Community Precinct (PCP) sa reklamong pambubulabog sa isang lugar na sinasabing naninita ng mga lalaking­ bagong baba ng barko mula sa Visayas at nagpapakilalang aktibo pang parak na  nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), kahapon ng mdaling araw. Batay sa report mula sa tanggapan ni MPD-station commander, P/Supt. Nicolas Pinon, ang mga dinakip ay sina Edgar Abenoja, 39 ng Lallana St., Tondo at Gilbeys Navoa, 39, ng Capulong St. Tondo makaraang isuplong na may dalang mga baril at nagpapakilalang mga pulis sa hurisdiksiyon ng Delpan PCP dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Nabatid na habang nagsasagawa ng check point ang mga tauhan ng station 2 ay isinumbong sa kanila ang dalawang suspek kaya ito nirespondehan. Namataan ang dalawa na nasa R-10 malapit sa panulukan ng Zaragosa at may sinisitang kalalakihan kaya sila nilapitan. Dahil nahalata ang nakabukol na mga baril ay kinapkapan at dinis-armahan ang dalawa. Sinampahan sila sa Manila Prosecutor’s Office ng reklamong Usurpation of Authority­. Nabatid na hindi pa nakababalik sa serbisyo ang dalawa  subalit may mga impormasyong nagtutungo umano sa mga lugar na inaakalang may mga pasugalan tulad ng video karera at nanghuhuli. Sinasabi umano ng dalawa na sila ay naka-assign sa Bicutan NCRPO.

ACIRC

ANG

CAPULONG ST. TONDO

DEL PAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

EDGAR ABENOJA

GILBEYS NAVOA

LALLANA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTOR

MGA

NABATID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with