^

Metro

Binatilyo, vendor nag-suicide

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang binatilyo at isang vendor ang iniulat na nagpakamatay sa magka hiwalay na lugar sa Malabon City at sa Marikina City kahapon.

Dakong alas-3:30 ng madaling araw nang madiskubre ang nakabigting si  Jayem John, estudyante , ng Singson ng LNA Compound Zone A Brgy. Santulan, ng naturang lungsod   ng ina nitong si Emerita sa loob ng kuwarto nito. Huling nakitang buhay si Singson dakong alas-8 kamakalawa ng gabi nang kumain ng hapunan ang pamilya Singson. Napansin na umano ng mga kapatid na matamlay si Jayem John na hindi naman nagsasabi ng kanyang problema.

Bago matulog, nanghingi pa ng lubid ang biktima sa kapatid na si Jecs ngunit tumanggi ito hanggang sa matulog na sa kanya-kanyang kuwarto ang pamilya.

Nagising naman ng madaling araw ang nanay na si Emerita dahil sa nag-aalala sa anak, tinungo nito ang kuwarto ni Jayem John ngunit tumambad sa kanya ang nakabigting anak. Sa pagsisiyasat ng NPD-Scene of the Crime Operatives, isang suicide note ang iniwan ng biktima. Nakasaad dito ang mga katagang, “sa lahat ng nagmamahal sa akin mara­ming salamat patawad.” Samantala, sa Marikina City, patay na nang idating sa pagamutan makaraang tumungga ng silver cleaner  ang vendor na si  Marcelino Balbuena, 26 ng Brgy.  Sto. Niño, Marikina City. Batay sa ulat ni PO2 Nicolas Lapie, ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-12:20 ng hapon nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa nabanggit na lugar, ng kanyang mga kalapit-kuwarto na sina Jeffrey Bermas, helper at Mc Moises Mejia, 18. Sa imbestigasyon, lumilitaw na bago ang pag-inom ng silver cleaner ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng nanay ng kanyang live-in partner na si Marilyn Dizon dakong alas-3:00 ng madaling araw kamakalawa. Nauwi ang komprontasyon sa barangayan kung saan napagkasunduan na uuwi na lamang ang kanyang kinakasama sa tahanan ng mga magulang nito. Ga­yunman, posibleng hindi matanggap ng biktima ang nangyari kaya’t pag-uwi nito sa kanyang inuupahang kuwarto ay kaagad itong naglasing at saka lumagok ng silver cleaner.

vuukle comment

ACIRC

ANG

COMPOUND ZONE A BRGY

JAYEM JOHN

JEFFREY BERMAS

KANYANG

MALABON CITY

MARCELINO BALBUENA

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with