^

Metro

Estudyante ng PLM nag-suicide sa simbahan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpakamatay  sa pamama­gitan ng pag-inom ng silver cleaner ang isang 1st year student ng Pamantasan ng Lungsod ng  Maynila (PLM) sa loob ng comfort roon ng isang Catholic church, sa Tayuman St., Tondo, Maynila.

Ito ang inisyal na ulat mula sa Manila Police District-Homi­cide Section matapos matagpuang wala ng buhay kahapon ng hapon at nakabulagta sa comfort room ng Immaculate Conception Parish Church, sa Tayuman St., Tondo, Maynila si Alfred Cardeno, 17, residente ng Tambunting St., Sta. Cruz, Maynila. Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa crime site pa ang tauhan ng Homicide Section para mag-imbestiga.

Sa impormasyon, dakong alas-3:45 ng hapon nang may papasok umano sa CR nang makita na lamang nakahandusay ang biktima kaya itinawag ito sa pulisya.

Sumugod din umano sa crime scene ang kaklase na nagsabing alas-10:30 ng umaga­ nang siya ay makausap ng biktima hinggil sa kanilang project sa school at isang kaklase din ang nagsabi umano na sinamahan niya ang biktima para makabili ng props na gagamitin sa filming o pelikula na kanilang project.

Nasabi pa umano ng biktima na “Gawin niyo na yung natitirang shoot sa pelikula, magpapakamatay na ako.”

Bandang tanghali umano nag-message pa umano sa Facebook ang biktima na” wala nang sayang sa kaniyang buhay.”

Sa kanyang message sa Facebook, nagpasalamat ito sa lahat kasabay nang pagsa­sabing ito ang last post niya at gusto na niyang magpahinga.

Ayon pa umano sa ka­klase, nagtanong pa umano sa isang tricycle driver sa Divisoria ang biktima kung saan makabibili ng silver cleaner at bigla umanong naglaho at hindi na niya nakita kaya sinubukan  pang kontakin sa cellphone subalit walang response. Ang ina umano ng biktima ang madalas sa nasabing simbahan na miyembro umano ng isang samahan doon.

vuukle comment

ACIRC

ALFRED CARDENO

ANG

BIKTIMA

FACEBOOK

HOMICIDE SECTION

IMMACULATE CONCEPTION PARISH CHURCH

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MAYNILA

TAYUMAN ST.

UMANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with