Pag-suweldo ng mga kawani ng Makati City Hall bawal ang proxy, kukunan pa ng CCTV
MANILA, Philippines - Bawal ang proxy at kukuhanan ng CCTV camera ang sinumang kawani ng Makati City Hall Office na kukuha ng kanyang sweldo para malaman ang mga tinaguriang “ghost emplo-yees”.
Ito ang mahigpit na direktiba ni Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña sa lahat ng kawani ng city hall.
Ayon kay Arthur Cruto, head ng Makati Action Cen-ter (MAC) at in-charge din sa audit, naglagay sila ng mga makabagong equipment, tulad ng CCTVs, computers, digital cameras at finger print scanners upang i-record at i-monitor ang lahat ng mga lehitimong kawani ng Makati City Hall.
Sinumang kawani na kukuha ng kanilang sweldo ay gagamitan ng mga makabagong equipment, upang matiyak kung siya nga ay lehitimong empleyado ng city hall.
Ayon pa kay Cruto, bukod sa mga modern equipment, bawal na ring kumuha ng suweldo ang proxy, kaila-ngan aniya ang mismong empleyado lamang ang kukuha ng kanyang sweldo.
Ayon naman ay Gibo Delos Reyes, chief ng Public Information Office (PIO) ng Makati City Hall, sa susunod na Lunes ay malalaman na rin ang tungkol sa report na mga “ghost employees” sa city hall.
- Latest