^

Metro

Misis ng mister na pumatay ng 3 anak patuloy sa pagbabanta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humihingi ngayon ng proteksiyon sa pulisya ang  misis ni Rolando Reformado, na pumatay sa kanyang  tatlong anak  noong Setyembre 1 sa Sampaloc, Maynila.

Sa pahayag ni Angelie Reformado, 36, ng no. 1862 Dapitan st. Sampaloc, Maynila kay SPO1 Alonzo Layugan, ng Manila Police District-Homicide Section, pinahihigpitan niya  ang pagbabantay sa kanyang mister na si Rolando, 33, na nakapiit sa MPD Integrated Jail kaugnay sa pagpatay sa mga anak na sina Jonel, 14;  Junli, 9 at Janel, 5.

Aniya, kahit nakakulong na ito ay patuloy pa sa pagseselos at nagbanta sa kanya.

“Sabi niya sa nanay niya nung dalawin siya na ...”iparating niyo sa asawa ko na pipilitin kong makatakas dito para patayin siya”, sinabi yun ng kapatid niya sa akin kasi dumalaw yung nanay nila nung Sabado,” ani Angelie.

Nabatid na noon lamang Biyernes inilipat sa Integrated Jail ang suspek mula sa Homicide detention cell.

Bagamat umamin naman si Rolando sa kaniyang sinabi, na­ngatwiran pa ito na sa “palagay niyo ba magagawa ko pa iyon sa kanya sa kalagayan ko ngayon, kahit nga bitayin ako tatanggapin ko na”.

vuukle comment

ACIRC

ALONZO LAYUGAN

ANGELIE

ANGELIE REFORMADO

ANIYA

BAGAMAT

BIYERNES

INTEGRATED JAIL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

ROLANDO REFORMADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with