^

Metro

Customer service representative, huli sa credit card scam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap sa patung-patong na kaso ng paglabag sa Access  Devices Re­gulation Act of 1998 ang isang dating customer service represen-tative ng isang kompanya nang maaresto sa aktong tinatanggap ang isang American Express (AMEX) credit card replacement na kaniyang ni-request na ang  may-ari ay nakabase sa Estados Unidos, sa ulat kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa report ng NBI-Interpol, ang suspek na si Lou Philip Shawn Castañeda ay sinampahan ng reklamong  paglabag sa Republic Act 8484 Section 9 o  Access  Devices Regulation Act of 1998 sa Quezon City Prosecutors Office  matapos madakip sa isang entrapment operation  sa kanyang bahay sa Brgy. Pinagkaisahan, Quezon City kamakailan sa reklamo ng isang Atty. Jeralyn Jalagat, manager ng Global Security Service, Amercian Express International, Inc., Philippines.

Nabatid na noong Agosto 20, 2015 nang magpanggap na delivery men  ng isang carrier service ang ilang NBI agent  para ideliber ang request na AMEX credit card ng suspek at sa puntong na-receive niya ang  nasabing card ay inaresto siya matapos magprisinta ng valid identification na professional driver’s license, na may pangalang Dario Boiles. Sinabi niya na siya ang Dario Boiles, gayung natukoy na ng NBI na ang nasabing pangalan ay nakabase sa Amerika at hindi naman umano nag-request ng replacement .

Ayon pa sa rekord na iprinisinta ni Atty Jalagat sa NBI, nagawa ng suspek na magsumite ng mga pekeng dokumento para sa request ng replacement.

Natukoy din na ang suspek simula noong 2014  ay may 20 application sa siya sa  credit card at walo (8) sa mga ito ang natukoy na fraudulent transactions  na umabot sa US $141,042.15 ang natangay.

Natunton din ng NBI na ang suspek ay dating customer service representa­tive ng Hinduja Global Solutions Limited (HGSL), isang third party customer service ng AMEX  kaya siya nagkaroon ng access sa mga confidential information ng mga kliyente.

ACIRC

AMERCIAN EXPRESS INTERNATIONAL

AMERICAN EXPRESS

ANG

ATTY JALAGAT

DARIO BOILES

DEVICES RE

DEVICES REGULATION ACT

ESTADOS UNIDOS

GLOBAL SECURITY SERVICE

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with